-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakubkob ng militar ang kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na kayang makaka-accommodate ng 40 katao matapos ang 45-minutong bakbakan sa Sitio Kiskis, Brgy Siagao, San Miguel, Surigao del Sur.

Nagresulta ito sa pagtakas ng mga rebelde sa iba’t ibang direksyon at pagkamatay ng isa nilang kasamahan na kanilang iniwan sa ilalim ng Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) sa pamumuno ni Ka Salem.

Narekober mula sa crime scene ang tig-dadalawang mga AK-47 rifles, improvised explosive devices (IEDs), iba’t ibang war materials at medical supplies.

Ayon kay B/Gen. Maurito Licudine, cOmmander ng 402nd Brigade, Philippine Army, resulta ito sa sunod-sunod nilang engkwentro na nagsimula noon pang Lunes sa Area Katarugan, Cabangahan, Cantilan, sa nasabing lalawigan na humantong Din sa pagkamatay sa isang rebelde kasapi ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) 16C1, Guerilla Front (GF16), NEMRC sa ilalim nang tinaguriang Ka Jacob at pagkarekober sa isang AK-47 rifle.