-- Advertisements --

Kinumpirma ng isang pagamutan sa China na mayroong 61-anyos na lalaki ang namatay dahil sa sinasabing misteryosong sakit.
Ayon sa Wuhan health authorities, sinasabing namatay ang lalaki as pneumonia sa Wuhan sa isang outbreak pero kailangan pang ma-identify ang virus.
Sa ngayon ay nasa pitong katao pa raw ang nasa kritikal na kondisyon matapos ring dapuan ng nasabing sakit.
Sa ngayon, aabot na sa 41 katao ang na-diagnose ng parehong sakit.
Ang mga sumailalim sa lab test ay mayroong pathogen pero base sa Wuhan Municipal Health Commission, ang sakit ay bagong type ng coronavirus.















