Halos 438,000 ektarya ng mga lupang pang-agrikultura na may higit 146,000 Collective Certificate of Land Ownership Award ang ipamamahagi ng gobyerno para sa mga kwalipikadong magsasaka sa bansa.
Sa impormasyong inilabas ng Presidential Communications Office (PCO), ang nabanggit na hakbang ay bunga ng SPLIT o Support to Parcelization of Lands for Individual Titling project ng Department of Agrarian Reform (DAR) kung saan hinati nang pantay-pantay ang mga lupang sakahan na pagmamay-ari ng pamahalaan.
Aabot sa ₱24.62 bilyong piso ang nasabing proyekto na pinondohan ng World Bank at ng gobyerno ng Pilipinas.
Ayon sa PCO, ang hakbang na ito ay naglalayong mapahusay ang land tenure security at mapatatag ang property rights ng 1.14 million agrarian reform beneficiaries na sumasaklaw sa 1.36 million ektaryang lupain sa buong bansa.