NAGA CITY-Patay ang isang driver pagkatapos mabangga nito ang isang poste sa Sariaya, Quezon.
Kinilala ang biktima na isang 12-anyos, mula sa Brgy. Concepcion Banahaw ng nabanggit na lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng daan galing sa Sitio Mangga pauwi sa kanilang bahay, nang aksidente itong makabangga sa isang poste.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ang naturang menor de edad ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na naging dahilan ng kanyang agad na pagkamatay.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nabanggit na insidente.
Samantala, ito naman ang unang nairehistrong vehicular accident sa Barangay Concepcion Banahaw ngayong taon.