-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang 1 Million Bamboo planting activity na isinagawa kahapon sa Isabela.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng iba’t ibang sektor at tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Nakiisa rin sa proyekto ang mga residente sa Barangay at mga kawani ng pamahalaan.
Layunin ng proyekto na mapigilan ang madalas na pagbaha sa lalawigan.
Ang pagtatanim ay isinagawa mula sa bayan ng Roxas patungo sa Sta. Maria at mula sa San Mariano patungo sa San Pablo.
Itinuturing na makasaysayan ang nasabing proyekto dahil ito ang pinakamalaking aktibidad sa lalawigan ngayong taon.
Titiyakin namang maiikutan at mamomonitor upang lumaki ang mga itinanim na kawayan.