Pinalalagay sa active duty ni US President Donald Trump ang may isang milyong mga reservist upang tumulong sa pagharap ng Amerika sa global health crisis na dala ng COVID-19.
Ito ay makaraang pirmahan ng Presidente ang executive order na nag-aatas sa secretaries ng Army, Navy, Air Forcbe at Homeland Security upang i-recall ang kanilang mga Ready Reserve upang magserisyo ng hanggang sa dalawang taon.
Ayon kay Trump, kabilang sa magiging trabaho ng mga reservist ay magsilbing mga medical disaster emergecy response personnel.
Tinatayang nasa mahigit 580,000 ang mga reservists mula sa Army, Marines, Navy at Air Force.
Idadagdag pa rito ang Army National Guard na merong kabuuang halos isang milyon ang bilang (900,000.)
Hindi pa kasama rito ang military retired mula sa reserves o kaya nasa active service.
Samantala una nang nag-deploy ang Navy ng isang hospital ship sa Los Angles at isa pang floating hospital sa bahagi ng New York City na kabilang sa estado na marami ang bilang na tinamaan ng deadly virus.