Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang isang katao na missing pa rin hanggang sa ngayon matapos ang magkakasunod na lindol kahapon sa Itbayat, Batanes.
Kinilala ni Roldan Esdicul, provincial disaster risk reduction and management officer ng Batanes, ang nawawala na si Edwin Ponte.
Ayon kay Esdicul, noong una ay akala nila nasa loob ng isang gumuhong bahay si Ponte subalit hindi ito nakita doon.
Inaalam na sa ngayon ng mga otoridad kung pumunta si Ponte sa taniman bago pa man ang unang pagyanig, na may lakas na magnitude 5.4, na tumama alas-4:16 ng umaga, at kalaunan ay sumilong sa gumuhong kuweba.
Walong kataong nasawi sa nasabing mga pagyanig na tumama sa bayan ng Itbayat habang 26 iba pa ang sugatan.
Magugunita na ang unang lindol ay sinundan ng magnitude 5.9 na pagyanig, at isa pang magnitude 5.4.