-- Advertisements --

Tinatayang nasa 1,000 seafarers ang nailikas na mula sa Ukraine, ayon sa International Labour Organization (ILO).

Sa ulat, ilan sa mga cargo ships ay tinamaan at nadamay sa mga putukan sa Ukraine simula nang salakayin ito ng Russia.

Ito ang dahilan kung bakit nanawagan ng agarang aksyon ang UN agencies na maprotektahan ang nasa 1,000 seafarers.

Iniulat naman ni Fabrizio Barcellona, ang seafarers’ section coordinator ng International Transport Workers’ Federation (ITF) na may ilang marino mula 20 mga bansa tulad ng India, Syria, Egypt, Turkey, Pilipinas, at Bangladesh, ang hindi pa rin nakakapaglayag hanggang ngayon patungo sa Poland at Romania nang dahil sa kasalukuyang panganib na dulot ng potential military crossfire.

Samantala, kinumpirma naman ito ng ILO at sinabing may ilan na trapped pa rin sa kanilang mga barko, habang ang iba naman ay pinababa sa kanilang mga barko kabilang na ang ilan na pinauwe, at ang iba naman ay nasa ilalim ng proteksyon ng Ukrainian army.

Sinabi naman ng Philippine Labour Ministry na nasa 371 na mga seafarers na ang nakauwe sa bansa, habang nasa 68 naman ang nagpatuloy sa kanilang mga trabaho sa labas ng Ukraine, at nasa 15 naman ang pinili mismong manatili sa Ukraine.

Magugunita na kamakailan lang ay inanunsyo ng Russia na nasakop at kontrolado na rin nito ang trading port sa Mariupol at pinalaya ang tinatawag nitong “hostages” mula sa mga barko.