Kumitil na ng 1,000 katao ang naitalang landslide sa Marra Mountains sa western Sudan ayon sa kumpirmasyon ng rebeldeng grupo na The Sudan Liberation Movement/ Army.
Ito ay bunsod ng ilang araw na mabibigat na mga pag-ulang nagresulta ng mga pagguho ng lupa noong Linggo na nag-iwan ng nagiisang survivor at karamihan naitala sa village ng Tarasin.
Kaugnay nito, umapela na ang grupo para sa humanitarian assistance mula sa United Nations at iba pang regional at international organisations.
Una rito, mraming mga residente mula sa North Darfur state ang lumikas patungo sa Marra Mountains region kasunod ng labanan sa pagitan ng Sudanese army at paramilitary group na Rapid Support Forces na nagpwersa sa kanilang lisanin ang kanilang mga tahanan at nagresulta sa kanilang pagka-displace.