-- Advertisements --
NAGA CITY- Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nadiskobreng fetus sa labas ng isang paaralan sa Brgy Isabang, Lucena City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na isang residente ang nakakuha ng isang ecobag na may lamang fetus na isinilid sa isang paper box at iniwan sa nasabing lugar.
Pinaniniwalaang tinatayang nasa anim na buwan na ang fetus.
Sa ngayon, pinaghahanap na ng mga otoridad ang taong posibleng nagtapon ng nasabing fetus sa lugar.