NAGA CITY – Patay ang isang construction worker habang sugatan naman ang isang menor de edad matapos na pagbabarilin sa Candelaria, Quezon.
Kinilala ang binawian ng buhay na si Abril Buenavista, 34-anyos habang sugatan naman ang anak nitong babae na menor de edad, residente ng Brgy. Pahinga Norte, sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa loob ng kanilang bahay ang mag-ama ng pasukin ang mga ito ng mga armadong suspek at pinagbabaril si Buenavista na naging dahilan nang agaran nitong pagkamatay, habang natamaan naman ng ligwa na bala nito na agad namang dinala sa ospital para sa asistensya medikal.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente maging ang pagtukoy sa pagkakakilanlan at motibo ng suspek na agad namang tumakas matapos ang insidente.