-- Advertisements --

NAGA CITY – Natupok ng apoy ang isang residential house matapos na silaban ng padre de pamilya sa Zone 5, Barangay Cayogcog, Balatan, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Virgilio Malapo, 36, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa ilalim ng impluwensiya ng alak si Malapo ng bigla nitong binuhusan ng gasolina ang bahay ng mga ito at tuluyan ng sinilaban.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na galing sa lamay ng kanyang ina ang suspek.

Samantala, hindi pa rin malaman ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing insidente.

-- Advertisement --

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.