Nangako ang ilang mga donors sa United Nations ng hanggang sa $1.5Billion para malabanan ang ‘humanitarian crisis’ sa Sudan, at matulungan ang mga kalapit bansa na maalagaan ang mga tumatakas na refugees.
Ito ay dahil sa umano’y patungo na ang Sudan sa ‘death and destruction’
Ayon kay UN humanitarian chief Martin Griffiths, ang krisis sa Sudan ay nangangailangan ng nagpapatuloy na financial support mula sa mga bansa, upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang pagbuti ng kalagayan ng mga residente doon.
Samantala, mahigit dalawang buwan mula nang magsimula ang kaguluhan sa nasabing bansa, pinangangambahan ng UN na magkakaroon ito ng epekto sa mga katabing African countries.
Sa kasalukuyan, ang death toll sa bansa ay umabot na sa 2,000 katao habang patuloy pa rin ang paglikas ng mga residenteng apektado, patungo sa mga katabing bansa.