Mahigit kalahati ng 3 million enrolled students sa mga higher education institutions (HEIs) sa kasalukuyan ang natulungan ng pamahalaan sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Sa budget deliberations ng Kamara, sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero De Vera na mula sa 1.18 million noong 2018 ay umakyat na sa 1.33 million noong 2019 ang bilang ng mga nag-enroll sa mga state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) ng libre.
Maging ang mga nabigyan ng Tertiary Education Subsidy (TES) ay tumaas din ang bilang noong 2019 sa 557,000, na ayon kay De Vera ay karamihan nasa mga private HEIs.
Bukod dito, patuloy din aniyang nadadagdagan ang mga nabibigyan ng Tulong-Dunong Scholarship Program.
Kung susumahin, aabot na aniya sa 1.79million college students ang natulungan ng CHED sa kanilang mga programa kumpara sa 1.47 Million noong 2018.
Ang CHED ay humihingi ng P50.9 billion para sa susunod na taon, mas mataaas ng 6.39 percent kung ikukumpara sa P47.906 Billion budget sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act.










