-- Advertisements --
Nagtutulungan na ang World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) para mabakunahan laban sa pertussis at tigdas ang higit isang milyong bata sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao.
Nag-deploy na raw ang mga naturang ahensiya ng 4,000 na personnel para magsagawa ng house-to-house vaccination.
Sa huling tala, halos 233,000 na ang nabakunahan sa BARMM ayon kay Dr. Rui Paolo De Jesus, representative ng WHO sa Pilipinas.
Sinabi naman ni WHO Western Pacific Regional Director Dr. Saia Ma’u Piikala na tumataas daw ang kaso ng tigdas sa mga bansang kalapit ng Pilipinas gaya ng Vietnam at Malaysia kaya hindi raw nila inaalis ang posibilidad na mangyari din ito sa bansa.