Nasa kabuuang USD 1.3 billion ang iuuwing investment pledges ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang matagumpay na biyahe nito sa Estados Unidos.
Sa kanyang post-visit report, sinabi ng Pangulo na sa kanyang pakikipag-ugnayan sa maraming American business groups, nagawa niyang mahikayat ang marami sa kanila na palawakin ang kanilang mga operasyon o lumikha ng mga bagong negosyo sa Pilipinas.
Ang nasabing investment pledges ay magkakaroon ng potensiyal na trabaho para lumikha ng humigit-kumulang na 6,700 bagong trabaho para sa mga Pilipino.
Binigyang-diin ng Pangulo na ang mga nasabing pledges mula sa mga American investors ay senyales ng tiwala at kumpiyansa sa pakikipag negosyo sa Pilipinas at tinitignan bilang investment destination na rin ang bansa.
Sinabi ng chief executive na pinananatili niya ang optimismo, at binanggit ang “tamang diskarte lalo na ngayon na nagsisimula ng makita ang mga epekto sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan upang buuin ang ekonomiya para sa mas malakas na pamumuhunan.










