Nakaunang panalo ang number 4 sa liga na Boston Celtics sa ikalawang round ng NBA playoffs matapos pataubin ang Milwaukee Bucks.

Umiskor ang Celtics ng 112 habang ang Bucks ay 90 para sa 1-0 series lead.

Highest scorer sa laro si Kyrie Irving na kumamada ng 26 points, 10 assists at anim na rebound.

Naka-20 puntos naman si Al Horford at mayroong 11 rebounds at tatlong assist.