CENTRAL MINDANAO-Patuloy sa pagsuri ng mga ibaโt ibang proyektong pang-imprastraktura sa probinsiya sa isinagawang Provincial Project Monitoring Committee (PPMC) Meeting ang pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng liderato ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza.
Layunin ng nasabing aktibidad na masigurong pasok sa standard ang mga proyektong pinapatupad sa probinsiya upang tiyakin na nagagamit ng tama ang buwis ng mga mamamayan.
Kabilang sa mga tinalakay ng nasabing komite ang mga proyektong tulad ng potable water supply system sa Brgy. Old Bulatukan, Makilala, covered court Brgy. Datu Agod, Antipas, road concreting sa Brgy. Lampayan, Matalam, ibaโt ibang building construction project, at camp rehabilitation.
Nanguna sa nasabing pagpupulong si USM President Francisco Gil Garcia bilang presider at dumalo rin ang representante mula sa DILG na si Freddie Perdoso Jr., mga contractors, at iba pang stakeholders.










