CENTRAL MINDANAO-Naaresto ng mga pulis ang dalawa katao na nagpupuslist ng smuggled cigarettes sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga suspek na sina Raymond Bacroya,driver at ang dalawang pahinante na sina Omar Junio at Jeizer Gonzales, pawang mga residente ng Zamboanga City.
Ayon kay Aleosan Chief of Police Major Andres Sumugat na nakatanggap sila ng ulat sa ipupuslit na illegal na kontrabando.
Naharang ng mga pulis ang isang Isuzu Fuso Dropside canter sa bahagi ng Barangay San Mateo Aleosan Cotabato.
Narekober ang mga kontrabando na kinabibilangan ng 447 reams ng Greenhill brand at 181 reams ng Casablanca brand na sigarilyo na nagkakahalaga ng nasa P263,000
Nagmula ang mga suspek sa Zamboanga City at patungo sana sa Davao City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, galing pa sa bansang Malaysia ang mga smuggled na sigarilyo na walang mga kaukulang dokumento o importation tariffs.
Kasalukuyang nasa kostudiya na ng Aleosan PNP ang mga naarestong suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.