-- Advertisements --

Opisyal nang nailuklok bilang bagong Senate President si Senator Juan Miguel Zubiri.

Ito ay matapos na iboto ng 20 mga senador si Zubiri bilang bagong Senate President sa unang sesyon ng muling pagbubukas ng 19th Congress ngayong araw.

Ngunit sinabi naman ng magkapatid na senador na sina Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano na na hindi sila nakiisa sa ginawang botohan ng mga senador para sa Senate president ngunit iginiit nila na hindi sila magiging awtomatikong kaanib ng minority bloc dahil mananatili anila silang “independent” senators sa 19th Congress.

Habang nag-abstain naman sina Senator Risa Hontiveros at Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagboto kay Zubiri dahilan para maging awtomatikong kaanib na ang mga nito ng minority bloc.

Magugunita na noong Mayo ay nagpahayag si Senator Cynthia Villar ng kaniyang kagustuhan na maging Senate president ngunit agad niya itong binawin matapos niyang mapiling suportahan naman si Zubiri.