-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng PNP na “zero deaths” ang kanilang naitala sa pagdiriwang ng Pasko 2019 at sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Pol. B/Gen. Bernard Banac, ang pagdiriwang ngayong taong ito ang naging pinakaligtas sa buong kasaysayan base sa kanilang datos.

Nakapagtala ang PNP Command Center ng kabuuang 324 na holiday-incidents nationwide na may kinalaman sa firecrackers, stray bullets, at illegal discharge of firearms mula December 16, 2019.

Sa unang oras ng New Year’s day, nakapagtala ang PNP ng 81 firecracker-related injuries, na karamihan ay self-injuries mula sa mga lumabag sa firecracker ban.

Ito ay higit na mababa sa the 798 injuries na naitala noong 2018.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Banac ang publiko sa kanilang pagtalima sa panawagan ng PNP at ng pamahalaan na iwasan na ang tradisyunal na pagsalubong sa Bagong Taon sa pamamagitan ng paggamit ng mapanganib na paputok at pagpapaputok ng baril na sa mga nakalipas na taon ay nagresulta sa kapahamakan at pagkamatay.