-- Advertisements --
Inaasahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ang isang positibong tugon sa mula sa mga Western allies sa Brussels sa kanyang mga kahilingan para sa mabilis na military aid habang ang mga lungsod ng bansa ay nahaharap sa mas maraming missile strike ng Russia.
Pagkatapos ng matinding pag-atake ng missile ng Russia, umapela si Zelenskiy sa mga pinuno ng Group of Seven nations nang mas higit pang air defense capabilities habang ang G7 ay nangako na susuportahan ang Kyiv sa “hangga’t kinakailangan”.
Nauna ng inihayag ng Ukrainian command nasa higit 100 mga Russian troops ang napatay sa katimugang rehiyon ng Kherson.