-- Advertisements --
Binalaan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang kaniyang mamamayan na huwag magpakampante ngayong Holiday season.
Sa kaniyag national address matapos ang biyahe sa US, sinabi nito na walang pinipiling araw ang mga kalaban nilang Russia.
Hiniling niya sa mga mamamayan na tulungan ang bawat isa.
Kinausap din nito ang mga Russians na walang mananalo sa anumang kaguluhan.
Magugunitang patuloy ang ginagawang pagpapaulan ng missiles ng Russia sa Ukraine na ikinasira na ng mga gusali at ikinasawi ng maraming residente.