-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Ukrainian President Volodomyr Zelensky ang mga sundalo nito na nagtaboy palayo sa mga sundalo ng Russia na sumakop sa Kharkiv ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Ukraine.

Sa mga nagdaang araw kasi ay patuloy ang ginagawang pagbawi ng Ukrainian forces sa mga teritoryo sa north-eastern areas.

Sa kaniyang social media ay ipinaabot ng Ukrainian President ang kaniyang pasasalamat.

Ang Kharkiv ay nasa 50 kilometro mula sa border ng Russia na mayroong populasyon ng 1.4 milyon.

Nauna ng kinumpirma ni Kharkiv governor Oleh Synyehubov ang pagbawi nila ng kanilang lugar.