-- Advertisements --
Muling nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga kaalyadong bansa na agad na magdesisyon na sa pagtulong sa kanila.
Sinabi nito na wala ng oras para mag-muni-muni pa at mahalaga ang maglabas agad sila ng desisyon.
Iginiit nito na ibinabahagi ng Ukraine ang mga intelligence report na kanilang nakukuha sa mga kaalyadong bansa.
Pinasalamatan nito ang mga bansa na tumulong para magbigay ng mga tangke at ang huli nitong pinasalamatan ay ang Denmark na nagbigay ng Caesar howitzer missile launcher na siyang makakatulong para maitaboy ang mga Russian forces.










