
Mariing itinanggi ni Ukraine Pesident Volodomyr Zelensky na nakubkob na ng Russian forces ang kabisera ng Bakhmut.
Ito ay matapos ideklara ng mercenary group na suportado ng Russia na kontrolado na nila ang naturang lugar.
Subalit iginiit naman ng Ukrainian military sources na nasa kanila pa rin ang kontrol sa karamihan sa mga gusali sa outskirts ng kabisera.
Sa huling araw ng G7 summit na idinaos sa Hiroshima Japan, tumanggi si Zelenky na magbigay ng karagdagan pang detalye ukol sa sitwasyon sa Bakhmut subalit inihayag nito na sa kabiserang ito ang pinakamahaba at pinamadugong digmaan sa buong Ukraine na sumiklab mula pa noong Agosto ng nakalipas na taon at nananatiling hindi okupado ng Russia sa kasalukuyan .
Ikinumpara din ni Zelensky ang Bakhmut sa Hiroshima na tinamaan ng atomic bomb noong World War II.
Nag-alay din ng bulaklak si Zelensky para sa mga biktima na pag-atake sa Hiroshima, Japan.










