-- Advertisements --
Ibinunyag ngayon ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na ang mga missiles at drones na mula sa Russia ay gawa sa iba’t-ibang bansa.
Ayon kay Zelensky, na base sa mga nakuha nilang mga missiles at drones mula sa Russia ay gawa ito sa mga bansang United States, United Kingdom, Germany, Switzerland, Japan, South Korea, the Netherlands, Taiwan at China.
Dahil dito ay muling ipinanawagan niya kasama ang European Union na patawan ng mabigat na sanctions ang Russia.
Giit din nito na naghahanda rin ang Ukraine ng bagong sanctions laban sa mga bansang tumulong sa Russia para sila ay giyerahin.