-- Advertisements --

Aminado si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na duda siya sa magiging resulta ng isasagawang imbestigasyon ng Senado sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Nabatid na ang imbestigasyon na ilulunsad ng Senado ay pamumunuan ni Sen. Ronald Dela Rosa, na siyang unang nagpatupad ng Oplan Tokhang nang siya ay Philippine National Police chief pa.

Pero ginagalang naman daw ni Zarate ang umiiral na parliamentary courtesy na mayroon ang dalawang kapulungan ng Kongreso.

Kasabay nito ay muling nanawagan si Zarate sa Kamara na magasagawa ng imbestigasyon laban sa war on drugs ng Duterte administration.

Nabatid na noong 17th Congress, naghain ang Makabayan bloc ng tatlong resolusyon na nagpapaimbestiga sa naturang usapin.