-- Advertisements --

Hinikayat naman ni Yulia Navalnaya ang naiwang asawa ni Russian opposition leader Alexei Navalny ang mga kababayan nito na magsagawa ng protesta laban kay Russian President Vladimir Putin sa araw ng halalan.

Dagdag pa nito na bilang bahagi ng protesta ay dapat pumila ng mahaba ang mga tao sa mga polling stations sa darating na Marso 17.

Mahalaga na magamit ang araw ng halalan para maipakita ang kanilang puwersa at dami.

Magugunitang nasawi si Navalny habang ito ay nasa penal colony noong Pebrereo 16 kung saan itinuturong nasa likod nito ay si Putin.