-- Advertisements --
Isinapubliko na ni Yassi Pressman ang bago nitong karelasyon.
Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng larawan habang binabati sa kaarawan nito ang kasamang lalaki.
Makikita rin sa larawan ang paghalik ng 27-anyos na actress sa lalaki na nai-tag niya na si Jon Semira habang sila ay nasa Amsterdam.
Si Semira aniya ay isang negosyante na nakabase sa ibang bansa.