Kumbensido si House Committee on Appropriations chairman Eric Yap na mayroong na mananatiling lider ng Kamara si Speaker Alan Peter Cayetano sa gitna ng umuugong na umano’y coup d’etat na ikinakasa laban sa kanya at iba pang Deputy Speakers ng kapulungan.
Ginawa ni Yap ang naturang pahayag matapos na magpadala si presidential son at Deputy Speaker Paolo Duterte ng message sa mga kapwa niya mambabatas para hilingin sa Makabayan bloc na ipadeklarang bakante ang Speaker at Deputy Speaker positions sa Kamara ngayong hapon dahil sa issue ng hindi pantay-pantay na infrastructure funds sa mga distrito sa bansa.
Sa isang panayam, sinabi ni Yap na sa kanyang pakiramdam ay si Cayetano pa rin ang siyang tatayong Speaker dahil wala naman aniyang problema sa pamamalakad nito sa Kamara.
Mababatid na kahapon ay naglabas ng statement si Duterte kung saan kinumpirma nito ang pagpapadala ng message sa kanyang mga kapwa mambabatas para hilingin na bakantehin ang House leadership seats, pero resulta lamang aniya nang kanyang pagkadismaya matapos marinig ang reklamo sa budget allocations sa 2021 proposed budget.
Pero sa panayam ng Bombo Radyo, nilinaw ni Yap na hindi mangingialam si Duterte sa term-sharing agreement sa pagitan nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.
Ang kasunduan na ito kasi ang siyang itinuturong dahilan naman ni Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte na siyang dahilan kung bakit kinuwestiyon ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves ang infrastructure funds allocation sa panukalang pambansang ppndo para sa susunod na taon.