Pinaalalahanan ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na tiyakin na magkaroon ng tamang training ang kanilang personnel sa paggamit body camera.
Ito ay upang masiguro ang integridad ng recordings ng body-worn cameras (bodycams) na ginagamit sa law enforcement operations sa isa mahalagang ebidensiya.
Ang pahayag na ito ni Yamsuan ay bunsod sa planong pagbili ng PNP ngayong taon ng 22,000 units na body camera.
Sinabi ni Yamsuan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA), nasa kabuuang P807.3 million ang pinondohan para sa procurement ng PNP ng bodycam.
Binigyang-diin ng Partylist solon na mahalaga na siguraduhin ng pamunuan ng PNP na ang mga pulis ay sumasailalim sa regular training at patuloy na pag-aaral sa kanilang police operational procedures at protocols kaugnay sa paggamit ng bodycams upang maiwasan ang mga alegasyon ng misconduct, violations of privacy at iba pang irregularities sa pagkasa ng kanilang operasyon.
“We in Congress want to institutionalize the use of bodycams to protect both our citizens and our police officers from abuse and false accusations. The use of bodycams will also help maintain trust in police operations,” pahayag ni Yamsuan.
Ipinunto din ni Yamsuan na sisiguraduhin ng PNP na ang lahat ng recordings ng bodycam ay mananatiling unedited at untampered.
Inihayag ni Yamsuan na may mga insidente sa ibang bansa na ang kuha ng mga bodycams ay nata-tampered at ini-edit.
“If that happens here, then the funds we allocated to procure these bodycams would just go to waste. That’s why it is very important for bodycam recordings to be protected from any form of tampering. Di ba mas maganda na hindi lang tayo ang third safest country, kundi tayo ang number one safest in Southeast Asia?,” pahayag ni Yamsuan.
Inilahad ng Kongresista sa ilalim ng 2024 GAA, ang allocation para sa PNP’s education and training component ay nasa P1.26 billion mas mataas ng 7.6 percent kumpara nuong 2023 na nasa P1.17.
Hinimok naman ni Yamsuan si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda na maglaan ng pondo mula sa P1.26 billion para sa training ng technical personnel na gagamit ng bodycam recordings.










