-- Advertisements --

Malaking tulong para sa mga batang may kapansanan ang “Yapak Center” na binuksan ng pamahalaang lokal ng Taguig nuong February 26, 2025 sa Barangay Calzada-Tipas.

Ang apat na palapag na facility ay dinisensyo para bigyan ng therapy, education, at special programs na makakatulong sa mga batang may kapansana na madevelop ang kanilang skills, magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at mamuhay ng normal.

Pinangunahan ni Tauig City Mayor Lani Cayetano ang pagbubukas ng nasabing pasilidad kasama si DepEd Assistant Secretary for Curriculum and Teaching Jerome Buenviaje, Taguig Yakap Center director Zarah Claire Cuenca, Taguig-Pateros Rep. Cong. Ricardo “Ading” Cruz Jr., City Administrator Atty. Jose Luis Montales, Executive Assistant for Health Dr. Cecille Montales, Persons with Disabilities Affairs Office Head Larry Supaz, city councilors, at mga barangay officials.

Sa kaniyang talumpati, ibinahagi ni Mayor Lani Cayetano ang kaniyang kagalakan na mabigyan ng tulong ang mga batang may kapansanan na magbenepisyo sa Yakap Center.

Sinabi ni Mayor Lani na malaking hamon ang pag-aalaga ng batang mayruong special needs kaya malaking tulong sa mga magulang, guardians ang Yakap Center.

Ang Yakap Center ay isang ligtas at magandang espasyo, na nag aalok ng mahahalagang serbisyo sa medikal at therapy, kabilang ang pediatric physical therapy, occupational therapy, at speech therapy.

Ang mga bata ay maaari ring makatanggap ng mga espesyal na konsultasyon sa mga doktor ng rehabilitasyon at mga pediatrician.

Ang mga programang pang edukasyon ay magagamit para sa iba’t ibang mga grupo ng edad, tulad ng Early Intervention Program para sa mga bata may edad tatlong taong gulang.

Mayruong Transition Program para sa mga mas matatandang bata, isang Bingi / Hard of Hearing Program, isang Braille Literacy Program, at isang Pre Vocational Program para sa mga naghahanda para sa trabaho at malayang pamumuhay.

Ang pasilidad ay mayruong mga pasilidad gaya ng mga sumusunod: Library at Multimedia Room para sa na-access na edukasyon, Arts & Crafts Room, Music Room, at Dance Studio para sa malikhaing pagpapahayag; Early Intervention and Transition Rooms para suportahan ang pag-aaral at pag-unlad; Hydrotherapy at Sensory Rooms para sa rehabilitasyon; Mga silid ng therapy para sa pisikal, occupational, at speech therapy; Braille signage sa mga room entrance para sa accessibility,

Ipinagmalaki ni Mayor Lani na as of February 2025 mayruon ng 265 na mga bata ang naka enroll sa facility.

Kabilang sa mga kapansanan na tinututukan ng Yakap Center ay autism, Down syndrome, cerebral palsy, learning disabilities, at speech-language disorders.

Bukod sa serbisyong medikal at pang edukasyon, mag aalok ang Taguig Yakap Center ng livelihood program na nagtuturo ng mahahalagang kasanayan sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Equal Grounds Cafe, na matatagpuan sa tabi mismo ng pasilidad.

Ang cafe ay magbibigay daan sa kanila upang makakuha ng karanasan sa trabaho bilang mga barista, kawani ng kusina, at mga server, na tumutulong sa kanila na bumuo ng mga kasanayan sa trabaho, kumita ng isang buhay, at maging sapat sa sarili na mga miyembro ng komunidad.