-- Advertisements --

Hindi ikinaila ni Chinese President Xi Jinping na maaari silang gumamit ng puwersa sakaling hindi maresolba ang gusot nila ng Taiwan.

Sa kaniyang talumpati sa pagsisimula ng Communist Party Congress sa Beijing na ang pagresolba sa problema nila ay dapat na pag-usapa ng China at Taiwan.

Sakaling hindi pumayag ang Taiwan sa mapayapang solusyon ay mapipilitan sila na gumamit ng puwersa at karahasan.

Itinuturing kasi ng China na parte pa ri nila ang Taiwan.

Binigyan pugay din Chinese President ang ginagawa ng Hong Kong ngayon mula ng ipatupad ang national security noong 2020 ay naging mapayapa na ito at nawala na ang kaguluhan.