-- Advertisements --

Nakipag-usap sa telepono si Chinese President Xi Jinping kay Russian President Vladimir Putin upang talakayin ang sitwasyon sa Middle East.

Ayon kay Xi, hindi tamang gamitin ang dahas sa paglutas ng pandaigdigang alitan dahil lalo lamang nitong pinapalalim ang galit at tunggalian.

Binigyang-diin niyang ang mga sangkot sa labanan, lalo na ang Israel, ay dapat itigil ang mga operasyong militar sa lalong madaling panahon.

Layunin nito na maiwasan ang paglala ng hidwaan at ang pagkalat ng gulo sa labas ng rehiyon.

Iginiit ni Xi na handa ang China na palakasin ang komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa lahat ng panig.

Dagdag pa niya, magsusumikap ang Beijing na itaguyod ang katarungan at gumanap ng positibong papel sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa Middle East.