-- Advertisements --

Nagkasundo ang World Wrestling Entertainment (WWE) na magsama sila ng UFC para bumuo ng isang bagong kumpanya.

Ang nasabing kasunduan ay nagkakahalaga umano ng $21 bilyon at WWE ay may halagang $9.3 bilyon.

Sa kasunduan na makakakuha lamang ng 49% ang WWE habang mayroong 51% na makukuha ang bagong kumpanya na Endeavor.

Ayon kay Ariel Emanuel ang CEO ng Endeavor ay isa itong oportunidad para makagawa ng bagong global live sports and entertainment.

Mananatili naman sa kaniyang titulo bilang WWE executive chairman sa bagong kumpanya si Vince McMahon.

Sa susunod araw aniya ay papangalanan ang 11 bagong miyembro ng board of directors.