Muling nabuhay ang usapin na mauuwi rin sa kasalan ang relasyon ni Pia Wurtzbach sa Venezuelan business boyfriend nitong si Jeremy Jauncey.

Ito’y matapos ibunyag ni Jeremy na bago pa man magka-lockdown bunsod ng coronavirus pandemic, ay ipinakilala na nito sa kanyang ina ang beauty queen girlfriend sa kanyang ina na nasa Scotland.

Una nang nilinaw ng 2015 half Pinay Miss Universe na hindi siya buntis at hindi rin engaged, sa kabila ng pag-countdown ni Jeremy na patungkol din pala sa Pasko.

Ayon sa 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro, ito kasi ang kanilang unang Pasko bilang magkasintahan na magkasama.

Ang 34-years-old na si Jauncey ay lumaki sa Scotland at Chief Executive Officer ng isang multi-platform travel content brand.