-- Advertisements --

Hindi alintana ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang malamig na temperatura sa Chicago, USA.

Ito’y matapos mamasyal sa aniya’y ilang iconic spot sa nasabing Lungsod sa Amerika kahit magiging abala sa kanyang coverage sa All-Star 2020 Weekend.

“Braving the cold since I had some time to walk around Chicago, so I went full on tourist mode and had to take a pic in this iconic spot! ❤️ What else to explore in this city? Any leads?” saad ng 30-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro.

Ngayong Linggo ng gabi isasagawa ang NBA All-Star game na mapapanood sa Lunes na ng umaga, February 17, sa Pilipinas.

https://www.instagram.com/p/B8nmYqrDAlE/

Hindi na bago sa pangatlong Pinay Miss Universe ang pag-cover ng isang sporting event.

Katunayan, February 2016 kung saan katatapos lang niyang koronahan bilang Miss Universe 2015, nang maging special correspondent siya para sa Super Bowl 50 o ang annual championship game ng National Football League ng Amerika.