-- Advertisements --

Ibabalik na ng Women’s Tennis Association ang mga torneo sa China ngayon.

Ipinagbawal kasi ng WTA na magsagawa ng torneo sa China dahil sa alegasyon ni dating Chinese player Peng Shuai na siya ay pinilit na makipagrelasyon kay dating vice-premier Zhang Gaoli noong 2021.

Matapos ang pagbubunyag na ito ni Peng sa kaniyang social media ay hindi na ito nanahimik ito ng ilang buwan bago lumabas at pinabulaanan ang unang pahayag niya.

Ayon kay WTA chief executive Steve Simon na sa nagdaang 16 na buwan ay nakumbinsi sila hindi tutugon ang China sa kanilang hiling na imbestigasyon.

Umaasa sila na sa kanilang pagbabalik ay lumabas ang katotohanan ukol sa alegasyon ni Peng.