Tinapalan muna pansamantala ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 ang isa sa kanilang signage sa Taft Avenue station na mayroong maling spelling.
Imbes kasi na National Bureau of Investigation, ay “National Bureau of Investagation” ang naka-imprinta sa naturang signage na kalauna’y nag viral matapos pumukaw ng pansin ng publiko.
Sa statement, tinawag ng Light Rail Manila Corporation ang insidenteng ito bilang isang maliit “letterally challenge”.
Ngunit kasabay nito ay tiniyak naman ng pamunuan na sa kabila nito ay maayos at smooth naman na tumatakbo ang kanilang mga tren kung kaya’t nananatiling ligtas naman anila ang mga magiging biyahe ng kanilang pasahero
Samantala, kaugnay nito ay inihayag din ng LRMC na kasalukuyan nang tinatrabaho ng kanilang team ang pagsasaayos at pag a-update ng naturang wrong spelling signage.