-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ni Justine Bieber ang mga natitira niyang World Tour.

Kasunod ito sa patuloy na pamamahinga niya dahil sa dinaranas niyang problema sa kaniyang mental health.

Sa kaniyang social media ay inanunsiyo niya na hindi na matutuloy ang kaniyang Justice World Tour concerts sa mga bansang United Kingdom,
France, Poland, Australia, New Zealand, Denmark, at Czech Republic.

Pagtitiyak nito na kanilang ibabalik ang mga bayad ng mga bumili ng tickets.

Magugunitang noong Setyembre ay una ng kinansela ng Canadian singer ang kaniyang mga concerts dahi sa problema sa physical at mental health.