-- Advertisements --
Inanunsiyo ni tennis world number 1 Ashleigh Barty ang kaniyang pagreretiro.
Sa kaniyang social media ay isinagawa ng 25-anyos Australian tennis star ang kaniyang pagreretiro.
Sinabi nito na naibigay na niya ang lahat ng kaniyang makakaya sa paglalaro.
Masaya aniya ito sa kaniyang desisyon at handang tanggapin ang anumang masasabi ng ibang tao.
Nagwagi si Barty ng tatlong Grand Slam singles event kabilang ang Australian Open nitong Enero.
Nanatili itong world number one mula ng manalo siya ng unang Grand Slam sa French Open 2019.