-- Advertisements --
Tiyak na ang puwesto ng Brazil sa knockout stage ng 2022 FIFA World Cup matapos talunin nila ang Switzerland 1-0.
Naging matindi ang ipinatupad na depensa ng magkabilang panig kaya walang naitala ang kapwa koponan ng goal sa laro na ginanap sa Stadium 974. Pinatunayan ng ranked number 1 at five-time world champion na sila ang koponan na dapat talunin ng ranked 15 na Switzerland.
Hindi naman naglaro ang Brazil forward at superstar na si Neymar dahil sa iniinda pa rin nito ang right ankle injury na nakuha sa laban nila sa Serbia.
Ang Brazil na ang pangalawang koponan na nakapasok sa round of 16 na ang una ay ang defending champion na France.









