Balik na sa paglalaro si World No. 3 Carlos Alcaraz sa susunod na buwan.
Kasama ang pangalan ni Alcaraz sa entry list ng Cincinnati Open na nakatakdang magsimula sa buwan ng Agosto.
Ito ang unang laban ng Spanish tennis star mula nang ma-injure siya noong April 2026 habang naglalaro sa unang round ng Barcelona Open.
Dahil sa naturang injury, hindi siya nakapaglaro sa mga malalaking torneyo sa Madrid, Rome, at maging sa Roland Garros kung saan siya ang defending two-time champion.
Hindi rin siya nakapaglaro sa Wimbledon Open kung saan ang kaniyang karibal na si Jannik Sinner ang kamakailan ay konoronahang champion sa ikalawang sunod na taon.
Magsisilbing warmup para kay Alcaraz ang Cincinnati Open bago ang inaasahang paglalaro sa US Open para depensahan ang kaniyang trophy.
Hawak ng Spanish tennis player ang pitong Grand Slam title sa Australian Oen, French Open, Wimbledon, at US Open










