-- Advertisements --
ILOILO CITY — Tuloy na tuloy na ang Dinagyang Festival 2022 sa kabila ng COVID (Coronavirus Disease) pandemic.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Ronald Raymond L. Sebastian, presidente ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated (IFFI), sinabi nito na magiging digital ang Dinagyang Festival na ang tema ay “Padayon Iloilo Upod kay Sr. Sto NiƱo.”
Ito ay gaganapin simula sa Enero 14 hanggang 23, 2022.
Tiniyak ng IFFI official na susundin pa rin ang health protocol upang maiwasan na mahawaan ng COVID-19 virus.
Samantala, isa sa ikinokonsidera ni Sebastian ay ang pagsasagawa ng world class online tribes competition ngunit wala pang pinal na detalye.