-- Advertisements --

Abanse na sa score ang Pinoy world champion sa gymnastics na si Carlos “Caloy” Yulo sa nagpapatuloy na 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Aspire Dome sa Doha, Qatar.

Nangunguna si Yulo sa individual all-around makalipas ang Day One sa tatlong mga apparatus ng gymnastics kasama na ang pommel horse at sa rings.

Umangat ng husto ang score ni Yulo sa floor exercises kung saan siya ang world champion noong taong 2019.

Sa second day ngayon ng all-around, muling sasabak si Yulo sa kompetisyon sa vault, parallel bars, at horizontal bar upang madetermina ang gold medalist sa all-around events.

Kung maalala kamakailan lamang sa Southeast Asian Games sa Vietnam ay humakot ng limang medalyang ginto si Yulo upang kilalaning most bemedalled Pinoy athlete.