Inaprubahan na ng World Bank ang $176Million Philippine Fisheries and Coastal Resiliency Project(Fishcore) para sa pagpapabuti ng fishery at coastal resources sa bansa.
Ang Fishcore ay proyektong naghahanap ng solusyon sa mga problema sa fishery sector, katulad ng pagbaba ng kita at production, mataas na lugi sa postharvest, at kahirapan sa panig ng mga mangingisda.
Sa ilalim ng inaprubahang proyekto, inaasahang makikinabang dito ang nasa 1.15Million na mangingisda ng bansa. Kasama rin dito ang mga small and medium business, at mga residente ng coastal communities.
Maliban sa mga ito, inaasahan ding makikinabang dito ang mga cold chain suppliers sa bansa, seafood processors, market operators, at mga exporters.
Samantala, inaasahan ang implementasyon ng Fishcore sa dalawang Fisheries Management Areas na unang binuo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources: ang FMA6 sa northwest Luzon, at FMA9 sa Visayas at Mindanao.