KORONADAL CITY – Kinansela na ng bansang Singapore ang working permits na nagmula sa bansang China.

Ginawa ang naturang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus kasabay sa pagtaas sa orange level alert batay sa Disease Outbreak Response System Condition (DORSCON).

Ngunit ipinaliwanag ni Bombo international correspondent Marjorie Estoque, hindi naman kasali dito ang mga working permits mula sa Singapore.

Maliban dito, ibinahagi rin ng Ministry of Health na isa sa 33 na kumpirmadong kaso ng novel coronavirus ay isang anim na buwang sanggol at isang Indonesian na katulong.

Maliban sa mga ito, nahawaan din umano ang mga Chinese tourists kung saan carrier umano ang kanilang Singaporean tour guide na dumalaw sa hotel na kaniyang pinagtatrabahuhan at makaraaan ay bumisita naman sa isang kainan na posibleng nahawaan ng naturang sakit.

Ngunit tiniyak nitong may ginagawa namang interventions ang pamahalaan doon kung saan pumupunta ang mga opisyales upang mamahagi ng 3M facemask bilang proteksyon sa virus.