-- Advertisements --

Gagawin na lamang optional ang work from home arrangement sa mga lugar na isasailalim sa Alert Level 1 sa susunod na buwan para mapabuti ang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) situation sa bansa.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, sa ilalim ng Alert Level 1 status ay hinihimok nila ang onsite work para sa mga manggaagawa.

Ang kagandahan aniya kapag pumapasok na ulit ang mga tao nang “physically,” ay nabubuhay ang mga tindahan at mga restaurant kasi lumalabas na talaga ang mga tao.

Kahapon, Pebrero 27, inanunsyo ng national government na simula sa Marso 1 hanggang 15 ay isasailalim sa Alert Level 1 ang National Capital Region at 38 iba pang mga lugar.

Sa ilalim ng Alert Level 1, lahat ng mga establisiyemento, mga tao, o aktibidad ay papayagan nang makapag-operate sa kanilang 100 percent capacity.

Subalit sa kabila nito ay mananatili pa rin ang vaccination requirement para sa mga indoor activities pero luluwagan naman ang mga requirement para sa “intrazona and interzonal” travels.