-- Advertisements --

Pinatikim ng Washington Wizards sa Golden State Warriors ang kanilang ikalimang sunod na pagkatalo 123-115.

Nagtala ng career-high 25 points ang Wizard rookie na si Corey Kispert.

Nag-ambag naman ng 22 points si Kentavious Caldwell-Pope habang mayroong 14-points si Deni Avdija.

Umabot pa ng 18 points ang naging kalamangan ng Wizards hanggang makahabol ang Warriors.

Sinamantala rin ng Wizards ang hindi paglalaro ni Stephen Curry dahil sa iniinda pa rin nito ang kaniyang injury sa paa.